Quantcast
Channel: PinoyExchange.com
Viewing all articles
Browse latest Browse all 10094

Curious lang. May gumagawa ba nito? Cooking an uncracked egg sa meal

$
0
0
Sorry kung sa BP ko to tatanungin.

Ganito kasi yung kwento.

One time, nag-ask ako kay partner na lagyan ng egg yung lulutuin niyang noodles. Tapos nung chinek ko yung niluluto niya, natawa ako kasi nilagay niya yung buong egg na di pa nabibiyak dun sa Noodles. I thought ganun talaga siya ka clueless sa pagluluto para gawin yun. Pero he defended himself na normally ganun ginagawa nila sa bahay. Still, parang hindi pa din ako naniniwala na it is normally done kasi nga I find it unhygienic. Kasi usually it's either ipu-poach na lang yung egg with the noodle soup or separately ilalaga yung egg, then ipi-peel bago ihalo sa dish.

Anyway, matagal na nangyari yun.

Tapos recently lang, bumisita kami sa house ng friends namin. And I saw na nagluto sila ng adobo with egg na may shell pa! Si partner tuloy nagsabi sakin na "See! I told you, hindi weird gawin yun". E yung friends namin e hygienic people, yung family nila e hindi din naman basta basta lang, tapos may background sila sa food and hospitality.... so ngayon napapaisip ako na baka nga it's normally done?

Now me and my partner are having a fun debate kung 'may ibang gumagawa nito o hindi'. And I told him na tatanungin ko sa PEX. So guys please pakisagot lang. Alam kong kababawan to but my curiosity is killing me. Pagbigyan nyo na pls. :lol:

Viewing all articles
Browse latest Browse all 10094

Trending Articles