Quantcast
Channel: PinoyExchange.com
Viewing all articles
Browse latest Browse all 10094

Need ko na ba mag move on or Mag hintay pa? HELP!! XD!!

$
0
0
2 months break na kami ng GF ko na nasa ibang bansa pero may usapan kami na mag uusap pa kami pag uwi nya next year at hindi sya makikipag relasyon sa iba or magpapaligaw dun kasi mahal pa daw nya ako, need nya lang daw nya ng time and space para makapag focus sa work nya, nag break pala kami kasi dahil din sa masamang ugali ko towards sa kanya before pero sure ako now na nagbago na ko. Kaso nalaman ko lang kanina na nagpalit sya ng Religion, Christian na sya so nung tinanong ko sya regarding dun like kung bakit need pa nya mag change ng Religion, or kung Sino ang nag sulsol sa kanya para lumipat eh ang mga sinasagot na nya sa akin ay puro bible verses na. Yun daw ang intindihin ko kasi yun ang sagot nya.

Syempre nagalit ako kasi gusto ko malaman ay yung sarili nyang sagot hindi yung galing dun sa libro, pero natapos ang usapan namin na di nya na explain kung bakit sya nagpalit ng Religion nung August lang eh kami pa nun kaya lalong sumama loob ko kasi ngayon ko lang nalaman.

Parang ibang tao na yung kachat ko kanina at hindi na yung GF(ex) ko. Ang dating pa nga sa chat namin eh parang ako yung masama kasi Catholic ako at ano ba daw ang natutunan ko sa bible at problema daw na may imaheng sinasamba ang mga Catholic, tinanong pa ko kung ano ba daw ang alam ko sa God namin(Catholic) so talagang tuliro ako nung nabasa ko yung mga ganun chat nya kasi hindi sya ganun before eh at ilang months pa lang sya naging Christian pero parang wala syang Idea sa pagiging Catholic nya before.

Asar na asar talaga ako kanina, kasi pakiramdam ko eh lumayo sya sa akin lalo ng wala akong magawa. Pero sinabi pa rin nya sa akin na makikipag kita pa sya sa akin next year para makapag usap kami tungkol sa aminng dalawa.


Sa tingin nyo if ever na magkabalikan kami makaka epekto kaya sa relationship namin yung bagong paniniwala nya about religion?

And may Idea ba kayo kung ano pinag kaiba ng Christian sa Catholic? kung ano yung mga conflict?

1st GF ko kasi sya at mahal ko talaga 3 years kaming magka hiwalay pero naging loyal ako sa kanya at di naghanap ng iba dito.

Yun lang. Tnx.

Viewing all articles
Browse latest Browse all 10094

Trending Articles