Lots of passengers are complaining regarding the unreasonable overpriced surges the last 3 weeks. Mostly kay UBER nagrereklamo because the upfront price is way different after they reached their destination. Kung baga estimate ni Uber 500 pesos pero pagdating daw sa final destination (buhay pa naman :glee:) yun fare sa app ni driver minsan umaabot ng 1k++..
so ayan nag word war na sa social media..
Quote:
Girard
Yesterday at 10:45am
So there are a lot of complains about uber surge price eh. How come i don't see people complaining about 5star hotels pricing compared to sogo hotel? Yung mga usual na nagsosogo bakit di nagpupunta sa shang para icomplain yung difference ng pricing nila? Same lang din naman ng function diba, matutulog ka may kama at unan at may ac? Parang bus, mrt, taxi at uber din diba?
Parang barko vs. airplane. Mura mag barko pero hassle, madaming nag babarko madaming nag aairplane pero walang nagrereklamo sa difference in pricing diba?
Pero bakit mahal ang uber?
Sige ipaliwanag natin.
Una, alin sa mga option mo ang bago ka lumabas ng bahayo gusali kung san kaman naroon ay antimano nakaabang na agad sayo ang sasakyan? Sagasaan ng mrt lahat masundo ka lang? Ibaba lahat ng bus ang pasahero para sunduin ka? Tawag ka sa RnE taxi, sige try mo.
Pangalawa, supply and demand, mas madaming nag oopt mag uber kesa itry mga options sa unang mga sinabi ko, obvious naman kung bakit diba?
So ang ending nauubos ang drivers sa dami ng riders, akala nyo madami drivers kasi pasko? Mali.
Sinasakal ng ltfrb ang tnvs kaya takot ang drivers at baka mahuli 120000-200000 pesos multa lang naman. Kaya ang ending? Less drivers, more riders. Bakit more riders? Kasi nga bulok ang mass transport natin sa bansa kaya kulang na kulang pa lahat yan lalo nat holiday season.
Pangatlo, akala ba ng riders ginto na kita sa computed fare na nakita mo sa app mo? Sige kalkulahin natin, 700 ang nakalagay sa app mo from makati to alabang via skyway, bago ka makapabas ng makati on busy hours during holidays, gano katagal at magkano na konsumo ng gas? Papunta ng skyway at sa skyway mismo, akala mo hindi trapik ano? Konsumo padin si gas. At toll na tayo, maglano toll? 164? So magkano nalang ang tira, 536 balang yung 700 na nirereklamo ni rider diba?ok nakababa na ng skyway, papunta naman ng town kunwari, magkano ulit konsumo mo sa gas dahol trapik? Sa 536 mo 300-400 gas ano ho? Swerte kana kung mas mababa jan ang konsumo. So magkano nalang ang tira sa 700 na nirereklamo ni rider? 100-200? Eh may uber fee pa! Akala mo kita na ng driver yun ano! Hahahaha Ang saya diba
Pang apat naman, sa destination mo ba tiyak ka may makukuha si driver pabalik sa ideal destination nya? Malamang ang sagot mo, pakelam ko ba kung ano mangyari sa kanya, diko na problema yun diba? So masstuck sa traffic ang driver mo which consumes gas ng walang pasahero makabalik lang sa spot na maraming pasahero pero dahil nasundo lana sa pinanggalingan mo at naihatid kana sa paruruonan mo, keber kana dun at nagbayad ka naman ng gintong 700 petot na nirereklamo mong mahal kamo, eh labas kana sa problema na yan diba.
So to end this pagpapaliwanag, premium option ang uber to begin with and when you downloaded the app and signed up, you accepted the terms and conditions of how uber works diba.
OR...
You can make para para the taxi which will snob you anyway and make contrata of your fare, you can make pila pila to the mrt para maunlock mo mandirigma achievement mo, you can tayo tayo on the bus and make ipit ipit your belongings para dika madukutan, lastly you can make para the jeep and inhale the smog of the buses and jeepneys and have pawis pawis all over you before you get to your destinations dava.
Or you can open the app, book and be on your way without all the hassle stated above for a premium price. You got the power to choose based on your moniesss. Hahaha
Merry christmas!
Even this Inquimboy sitreet in Pasay, for them sobrang big deal na para pumasok dyan. Cancel na daw kapag may nag request dyan kasi maarte daw si ate ayaw maghintay sa kanto ng 3AM. Gusto ni driver lumabas si ate ng 3AM sa kanto para daw hindi maaberya si uber driver baka ma scratch daw yun hindi pa fully paid uber car nya.. :rotflmao: It's really funny how these newly proclaimed "pro" driver are so challenged with a small street infact everyday they deal with a much smaller space sa traffic kung san sila makalusot sa jeep, tricycle..etc.
which side are you on? :naughty::rotflmao::rotflmao:
For me sa rider side ako. After seeing my friends uber app and fares, shocking talaga yun fares. Nag read din ako ng mga comments ng drivers & operators sa FB, mas shocking mga ugali nila.. :eek::eek: sa bagay hindi pala dapat ako ma shock kasi I'm PnD.. :rotflmao::rotflmao: