Quantcast
Channel: PinoyExchange.com
Viewing all articles
Browse latest Browse all 10094

How can I improve myself on conversation?

$
0
0
Hi guys,

Hingi lang sana ako ng tips on pano ko ba ma-iimprove yung sarili ko when communicating/socializing with others

Pansin ko kasi nahihirapan kasi akong magstart ng conversation kahit kanino as in kahit sa stranger or friends. Laging sila yung nagstart ng conversation. Pero pag pinilit ko naman by asking question, wala akong maisip na joke/statement or any information na ma-ishare sa sagot nila para mag keep going. Lagi follow up question yung ginagawa ko... For example:

Ako: Kanina ka pa?
Person A: Hindi ngayon ngayon lang din
Ako: Ahh. San ka galing?
Person A: Dyan sa may... etc (then follow up question ulit)

Parang ganun. Kaya kinalabasan parang ako lagi nagtatanong. Tapos pag sila naman yung nagtatanong tungkol sa akin or opinyon ko about a topic, parang wala akong masabi kundi "Ok lang" or "Ahhh hehe". Or parang isang tanong sa akin isang sagot ko lang. Hindi katulad nung iba na pag tinatanong sila marami silang nakwekwento. Hindi katulad nung iba na may nasasabi about sa mga simpleng topic. Sorry hindi ko sure kung malinaw yung explanation ko hehe.

Viewing all articles
Browse latest Browse all 10094

Trending Articles