Humingi ng space sakin ang GF ko nung December 28 para daw makapag focus sya sa thesis nya. Binigay ko naman. Then last Feb 21, niyaya ko sya magmeet kami. Kwentuhan about ganito ganyan then naopen nya na may mga nanliligaw sa kanya. Sinasabi naman daw nya sa mga manliligaw nya na ako pa din mahal nya. Kinabukasan, tinanong ko kung may iba na. Sagot nya wala. Mahal daw nya ako pero ayaw muna nya ng relationship.
Then nung Feb 25, birthday ko, nagkita ulit kami. Tinanong ko kung pwede ba kami ulit. Ayaw nya. Tinanong ako kung baka gusto ko maging friends/bestfriends muna kami. Sabi ko ayaw ko. Sana pala umoo na lang ako. Ang ***** ko din kasi parang di ko na sya masyado kinikibo nun. After makauwi ng bahay namin, tinanong ko sya kung gusto nya pa ba ako. Sagot nya is gusto daw nya ako kasama. Tinanong ko kung pwede ko makita messages nya. Ayaw nya. Sabi ko baka may tinatago sya. Paulit ulit ako sa pangungulit hanggang sinabi nya na OO MAY IBA NA. Sobra akong nasaktan nung narinig yun. Hanggang sa nagpaalam na sya na uuwi. Sinabihan ko sya na "umalis ka na. may iba ka na" Sobrang sakit ng naramdaman ko kaya tinext ko sya at namura ko na magsama sila ng bago nya. Pero sinabi nya sa mama ko na kaya lang naman daw nya nasabi yun para tumigil ako sa pangungulit.
The day after tinawagan ko sya at nagsorry ako. Pumunta pa ako sa kanila nun. Iyak ako ng iyak dahil ayoko mawala sya. Hayaan ko na muna daw sya magfocus sa thesis. Nasabi din nya na wala syang balak sagutin manlikigaw nya. Kaya ko naman pagbigyan pero bat ba kasi kelangan nya ientertain yung manliligaw nya pero ako pinupush palayo. Habol ako ng habol sa kanya nun pero tinataboy nya lang ako. Natanong ko sa friend nya kung may nakekwento ba GF ko sa kanya about sa manliligaw nya. Sabi ng friend "Parang nagugustuhan na din daw nya manliligaw nya base sa mga kwento nya e".
Naghabol ulit ako. Nadamay pa family ko at ibang friends nya. Nasabi ng GF ko sa kapatid ko na kahit daw may mga nanliligaw sa kanya, ako pa din daw mahal nya. Pero sinasabi nya sakin na gusto nya yung manliligaw nya. Sobrang sakit lang kasi bat pinupush nya ako palayo pero yung nanliligaw sa kanya e ineentertain pa din nya.
Kaya sinabi ko sa kanya kahapon lang na maghihintay ako makagraduate sya sa October. Gumaan loob ko kasi pumayag sya. Sabi nya bumalik na lang ako ng October. Friends daw muna kami. Pero di naman ako pinapansin. Mga message ko di na inoopen. Inistalk ko profile nung manliligaw nya kanina and nakita ko na may post sya na sana daw nasa tabi nya GF ko. Nagcomment GF ko ng emoticon lang.
Nung nakita ko yun, pinanghinaan ako ng loob kasi di ko alam kung may mapapala ba ako kung maghihintay ako hanggang October. Di nya pinapansin messages ko. Pero nakapag comment sya sa post nung manliligaw. Di ko na alam gagawin ko. Nagdadasal na lang ako na sana mabigyan ako ng opportunity para magkita kami at magkausap.
Sa mga babae dyan, pwede nyo ba ako matulungan kung ano ba talaga situation ko ngayon. Sinasabi nya sakin lagi na gusto nya manliligaw nya. Pero sinasabi nya sa mama ko at kapatid ko na ako pa din mahal nya. Sabi din ng friend nya na hindi naman daw sya nafall dun sa manliligaw. Ayaw daw nya relationship ngayon. Ang hirap idecipher kung ano ba talaga. Please help 😢😢😢