Quantcast
Channel: PinoyExchange.com
Viewing all articles
Browse latest Browse all 10094

Close friend na girl magbibigay ng GIFT ,Si GF galit!

$
0
0
May close friend ako na babae, anak siya ng MANINANG at MANINONG ko. Since matagal na kami hindi nagkita kasi nasa US nag work tanong siya kung ano ba daw gusto ko regalo . Matagal na siya nag tanong sakin nito kaso nag iisip pa ako ng maganda. Lately tumawag siya sa phone habang kausap ko ang GF ko sa skype PC. Sinadya ko sagutin kasi wala naman ako nililihim kay GF. Nangungumusta lang si close friend at sabi niya uuwi na daw siya by next month. Tanong ulit kung ano gusto ko kaya sabi ko JBL CHARGE 3 BLUETOOTH SPEAKER na color blue na lang. Ayun pumayag si close friend dahil malapit narin birthday ko sa JULY 16. At siyempre tuwang tuwang ako kasi may pang pastime na ako . Tsaka matagal ko gusto magkaroon ng ganun kaso hindi mabili bili kasi waley budget may kamahalan pa kasi ang presyo. Ang problema ko ngayon itong si GF, galit na galit kasi daw baka ano na yun. Grabe talaga maka duda. Hindi daw kami kadugo ng close friend ko at bakit daw ako malambing sa tono ng boses ko kung makipag usap. Siyempre kapatid ang turingan namin sa isat isat at walang malisya sa akin yun. Si GF parang aligaga panay iyak ng iyak sa skype na para pang may nagawa akong napaka bigat na kasalanan sa kanya. LDR pala kami ng GF ko nasa JAPAN siya now. So galit si GF na tatanggap ako ng regalo sa ibang babae. Sabi ko atleast may libangan naman ako at happy siyempre kasi magkakaroon na ako ng gusto kong gadget. Sabi ba naman na mababaw lang daw happiness ko at material na bagay lang daw yun. Pinapili pa niya ako . Pinagpalit ko daw siya sa material lang. Ngayon nag sorry ako sa kanya at sabi hindi ko na tatanggapin na lang. Aba panay parin ang iyak hindi ko daw siya mahal. Wala daw ako kwentang BF. Ngeks Hello nagparaya na nga ako tapos ako pa ang masama. Magiging happy daw ako sa gadget na bigay ng iba kaso siya naman daw masasaktan. Habang tina type ko to nasa skype parin si GF na panay ang iyak at pina pa konsensya ako. Ayaw makinig sa akin.Mahal na mahal ko si GF at ayaw ko mawala siya. Ngayon gusto niya tanggapin ko na lang daw baka ano pa masabi ng family ko na kinontrol niya ako.

If ever tanggapin ko yun, masama ba akong BF na?
Help mga Ka PEX , ano ba mabuting gawin sa GF ko?

Viewing all articles
Browse latest Browse all 10094

Trending Articles