Quantcast
Channel: PinoyExchange.com
Viewing all articles
Browse latest Browse all 10094

"Nanay, tatay, gusto ko na pong humiwalay."

$
0
0
"Nay, Tay. Nakapagisip-isip na po kasi ako. Gusto ko na pong masubukang mamuhay sa sarili ko. Natatakot po kasi ako, baka kapag bigla kayong mawala, wala po akong malapitan kung hindi sarili ko lang. Mas mainam na po yung habang nandiyan pa kayo, handa na po ako."

"Ano bang pinagsasasabi mo Rolando? Bilisan mo't maghugas ka na ng pinggan malapit nang mawalan ng tubig ikaw bata ka talaga." (Habang natatawa)
:):):):):)

Gaano na ba kahirap ang magsarili sa panahon natin ngayon? Tumaas ang presyo ng mga bilihin. Karamihan sa mga millenial, hindi kayang bumili ng bahay. Rent dito, rent doon. Hanggang kelan ba tayo mabubuhay sa araw-araw na bentesilog? :hmm:

Bago ka pa man din makaalis ng bahay, pahihirapan ka muna ng mga nagpalaki sa'yo. Sa una, tititigan ka lang nang para kang alien. Kapag sinabi mong seryoso ka, hindi ka nila seseryosohin. Para bang ang ipinagpapaalam mo sa kanila ay ngunguya ka ng bubog at susundan ito ng pantunaw na asido. Baka tawanan ka pa nila. :alien:

Hindi madalas napag-uusapan ang paghiwalay sa magulang at madami itong dahilan. Maaaring hindi kasi ito parte ng ating kultura, o kaya naman ay gusto ng ating mga magulang na pagsilbihan sila hanggang sa kanilang pagtanda, at madami pang ibang mga dahilan. :teehee:

Madami kang isasakripisyo kapag humiwalay ka sa iyong mga magulang. Pwedeng mawala ang internet sayo, at kailangan mo munang unahin ang kuryente kesa sa internet bill. Pwedeng mawala ang mga gala mo, at kailangan mo munang asikasuhin ang mga dokumento mo. At pwede kang sumuko sa unang linggo mo palang ng pagalis sa bahay at gumapang pabalik sa mga magulang mo habang umiiyak. :hiya:

Huhuhu, ayoko na ma, magpapakabait na ko, ako na maghuhugas ng pinggan natin habambuhay, pakonek lang po sa wifi hindi na ko nakakapagpesbuk. :bigcry:

Madami kang makakausap na foreigner tungkol sa mga ganitong bagay. Sa edad na 18 palang, umaalis na agad sila. At sa kabutihang palad, ay nakakaraos naman sila! Pero sino ang makakausap mong kababayan?

Pag-usapan na natin yan ngayon. Para sayo ba? Gaano na ba kahirap ang magsarili sa panahon natin ngayon? Magkano kaya ang magagastos mo? Paano mo ipapaliwanag sa nanay mo na walang kamuwang-muwang na nagpaplantsa lang ng uniporme ngayon? Paano ka ba dapat magplano ng iyong paghiwalay? Ano ang dapat mong gawin bago ka tuluyang umalis sa puder ng iyong mga magulang? At para sa may mga gustong sumagot, ano ang dahilan mo para humiwalay? :)

Ano ang pros and cons ng paghiwalay sa magulang? At base sa opinyon mo, kritikal ba sa pagbuo ng karakter ng isang tao ang pamumuhay sa kaniyang sarili o isa lang itong malaking pagsasayang ng oras at kwarta? :p

Meron pa ba kayong mga katanungan tungkol sa topic na ipinahayag ko? Maaari niyo nalang itong ilagay sa ilalim at maraming salamat.

Viewing all articles
Browse latest Browse all 10094

Trending Articles